Wednesday, January 02, 2008

New years eve...




Nais kong ibahagi sa inyo ang new years presentation ng easy like sunday morning. Dito sa Canada, marami bagay akong hinahanap hanap noong una kaming mapadpad dito. Unang taon namin dito, wala akong narinig na putukan- bagamat may TV at live ang countdown..malungkot parin.



Nasabi ko nga sa aking may bahay...hindi na mauulit ang kalungkutan at sa halip..magiging masaya ang aming New years eve.



At eto na nga, taon taon, andito kami sa Brampton City Hall para icelebrate ang paghihiwalay ng taon. Astig ang party na handog ng City Government. Libre sa paputok..libre pare marsmallow.

Makikita niyo sa videoblog (nasa itaas) ang mga taong katulad namin naghahanap ng saya..kahit malamig...tuloy pa rin ang party.

Ang video na ito ang siyang panimula ko sa isa nanamang website na aking inumpisahan.

Temang Buhay Canada...at itong Easy like Sunday morning...pang personal na lamang...



Muli ko kayong binabati ng Maligayng Bagong taon..at nawa'y marami pang "blessings" ang ating matanggap.

Sa mga nagnanais manirahan dito sa Toronto,...pwede ninyong bisitahin ang aking bagong website- http://buhaycanada.wordpress.com Makakakuha kayo ng mga tips tungkol sa kung paano makakahanap ng bahay, ng trabaho..at kung ano ano pa...

Dito'y magsusulat ako at magvivideo blog ng patungkol sa paninirahan namin dito sa Canada.

Hanggan sa muli.

0 comments:

Post a Comment